Bigo ang Gilas Pilipinas 3X3 team sa kanilang kampanya sa FIBA 3×3 Olympic Qualifying Tournament makaraang padapain ng France sa ika-apat nilang laro sa torneo na ginanap sa Graz, Austria.
Ngunit bago nakuha ang panalo sa score na 14-15, pinahirapan muna nina Joshua Munzon, Santi Santillan at CJ Perez ang mga kalabang Pranses.
Una rito, inilampaso rin ang Philippine team ng mga koponan ng Qatar, Slovenia, at Dominican Republic.