Muling maghaharap ang magkaribal na Gilas Pilipinas at South Korea sa 2017 FIBA Asia na ginaganap sa Beirut, Lebanon.
Magsasagupaan sa Quarterfinals ang dalawang team sa makaraang pataubin ng Sokor ang Japan sa score na 81-68, kagabi.
Ang Philippine at Korean team ang isa sa pinaka-matinding magkalaban sa FIBA Asia lalo’t maka-ilang beses ng naghaharap ang dalawa na nagreresulta sa pagkatalo ng Pilipinas.
Gayunman, binasag ng Gilas ang “tinatawag” na “Korean curse” makaraang pataubin ng Pilipinas ang Sokor sa semi-finals ng 2013 FIBA Asia Cup.
Maghaharap ang dalawang koponan sa Nouhad Nawfal Stadium, bukas.