Tatangkain ng Gilas Pilipinas na makabangon mamayang hapon sa laban nito kontra New Zealand sa nagpapatuloy na 37th William Jones Cup na ginaganap sa Taiwan.
Ito ay matapos ang masaklap na pagkatalo ng Gilas sa kamay ng powerhouse Iran kahapon sa iskor na 64 -75.
Ayon sa Gilas, nananatili ang kanilang high spirit at tiniyak na babawi sa New Zealand.
Kasulukuyang hawak ng Gilas ang tatlong panalo at dalawang talo.
Ang pagtutuos ng Gilas Pilipinas at koponan ng New Zealand ay magsisimula mamayang ala-una ng hapon.
By: Ralph Obina