Bigo ang Gilas Pilipinas sa unang laro nito sa 2015 FIBA Asia Championship sa Changsha, China.
Ito’y matapos padapain ang Philippine National Men’s basketball team ng Palestine sa score na 75-73.
Sa una hanggang sa ikatlong quarter ay naghabol ang mga Palestino, subalit nakadikit ito sa Gilas pagsapit ng ika-apat na quarter.
Ilang segundo ang nalabi sa huling bahagi ng laro ay nakatabla pa ang Palestine sa pangunguna ng isa sa mga pambato nitong si 6’8″ forward Sani Sakakini hanggang sa masungkit ang panalo.
By: Jelbert Perdez