Bigo ang Gilas Pilipinas na patumbahin ang Australia Boomers sa kanilang paghaharap sa second round ng 2019 FIBA World Cup Qualifiers.
Hindi tumalab ang Gilas ng Pilipinas sa mas malaking team ng Boomers na nagwagi sa score na 84-68, sa kanilang game sa Margaret Court Arena sa Melbourne, Australia.
Nagpakawala ng 15 points si Junmar Fajardo para sa Philippine National Basketball Team habang kumamada ng 16 points si Cameron Gliddon para sa Australian Team.
Hawak na ng Gilas ang 2-1 record sa Groub B habang nananatiling undfeated ang Australia sa kartadang 3-0.
Samantala, sunod na makakaharap ng Pilipinas ang Japan sa MOA Arena, Pasay city.Linggo, Pebrero 25.
Posted by: Robert Eugenio