Tiwala si Gilas Pilipinas Coach Tab Baldwin na magiging maganda ang resulta ng mga laro ng koponan sa Europa.
Ngayong araw na ito inaasahang tutulak pa northern Europe ang Gilas Pilipinas para sa tatlong laban sa Iceland, Estonia at Netherlands.
Sinabi ni Baldwin na kailangan ng Gilas na maging maganda ang resulta ng dalawang laro nila lalo na’t hindi naman inaasahan na malakas ang team Iceland.
Gayunman, inamin ni Baldwin na magpapakita ng lakas ang mga koponan ng Estonia at Netherlands dahil sa malalaking players ng mga ito.
Inihayag ni Baldwin na itatapat nila sa mga malalaking players ng ibang koponan sina Asi Taulava at Sonny Thoss dahil wala sa team sina Junmar Fajardo at Marc Pingris.
By Judith Larino