Todo paghahanda na ang Gilas Pilipinas para sa kanilang rematch kontra Australia sa third window ng 2019 Fiba World Cup Asian Qualifiers na gaganapin bukas ng gabi.
Sinabi ni Gilas Coach Chot Reyes, naniniwala siyang ang sapat na pahinga at magandang preparasyon ang magsisilbing susi para masungkit ang panalo.
Inaasahang babawi ang Gilas matapos talunin ng Australia sa second window noong nakalipas na Pebrero 22 sa Margaret Court sa Melbourne.
Muli namang sasandal ang Philippine team sa kina naturalized center Andray Blatche, Four-Time PBA MVP June Mar Fajardo, Jayson Castro at Terrence Romeo.