Nakatakdang sumabak ang Gilas Pilipinas sa MVP Cup na magsisilbi ring tune-up event ng grupo bago ang 2015 FIBA Asia Championships.
Mula Setyembre 11 hanggang 14, sinasabing iho-host ng Gilas ang four-nation pocket tournament kung saan inaasahang lalahok ang ilang team sa FIBA Asia at Oceania Regions.
Ayon kay dating Gilas Coach Chot Reyes, opisyal ng MVP Sports Foundation, sasali sa torneo ang New Zealand at Lebanon.
Pagkakataon na rin umano ito ng Gilas upang muling makapaglaro sa harap ng kanilang mga kababayan.
By Jelbert Perdez