Hindi nagpapaka-kampante ang Gilas Pilipinas sa kanilang game kontra Qatar sa Group F ng 2nd round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Ito’y kahit pa may homecourt advantage ang Pilipinas lalo’t gaganapin ang laban sa Araneta Coliseum, mamayang alas-7:30 ng gabi at kulang sa player ang Qatari team.
Ayon kina Gilas guards Alex Cabagnot at Matthew Wright, hindi nila hahayaan na malusutan sila ng kalaban kaya’t asahan pa rin ang mahigpit nilang depensa.
Tututukan din anya nila ang iba pang key player ng Qatar partikular ang mga outside shooter.
Gaya ng Pilipinas na natalo sa Iran sa score na 81-73 noong Huwebes, pinadapa naman ng Australia ang Qatar sa score na 95-43.
—-