Hindi magpapakumpiyansa ang Philippine basketball team sa kanilang laban mamaya kontra Syria kahit pa tiyak na sila sa pang-limang puwesto sa nagpapatuloy na Asian Games.
Ayon kay National Team Coach Yeng Guiao, hindi nagkakalayo sa bilis at laki ang mga manlalaro ng Pilipinas at Syria.
Desidido din ang mga basketbolistang Pinoy na maipanalo ang kanilang laban bilang regalo kay Filipino-American at Cleveland Cavaliers Guard Jordan Clarkson.
Kasalukuyang may 2-2 win-loss record ang Pilipinas matapos nitong ilampaso ang mga bansang Kazakhstan at South Korea.
—-