Laglag na ang Gilas Pilipinas sa 2022 FIBA Asia Cup matapos talunin ng Japan.
Sa score na 102-81, hindi pinaporma ng Japan ang Pilipinas sa pagsisimula ng laban matapos kumamada ng 32 points kontra 16 points ng Gilas.
Nagpantay pa sana ang puntos ng dalawang koponan sa second quarter pero hindi na nakahabol ang Pilipinas hanggang huling kwarter.
Humingi naman ng paumanhin si Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes dahil sa pagkatalo ng Gilas.
Pero tiniyak nito na mas magiging malakas ang Gilas sa mga susunod na kompetisyon lalo na sa second round ng 2023 FIBA World Cup Asian qualifiers na magsisimula sa Agosto.