Minaliit ng Lebanon ang Gilas Pilipinas na kanilang makakaharap mamayang gabi para sa quarterfinals ng FIBA Asia Championship.
Ayon kay Lebanon Coach Veselin Matic, hindi sila nakararamdam ng anumang pressure sa paglaban sa Pilipinas dahil mas tinik sa dibdib ang powerhouse Iran.
Ito ay kahit pa tinambakan ng Pilipinas ang koponan ng Iran.
Iginiit ni Matic na hindi rin siya nababahala sa prisensya ni Gilas naturalized player Andray Blatche dahil sa kanila na aniyang napag-aralan ang laro at kung papaano pipigilan ang sentro ng Pilipinas.
By Ralph Obina