Puspusan na ang pagsasanay ng dalawampu’t tatlong (23) miyembro ng Gilas Cadets na ipapadala ng Pilipinas para sumabak sa Asian Games sa Indonesia.
Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcia, hindi sila makakapag-break dahil na-stretch na ang calendar games ng season para sa Asian Games.
Dahil dito, tuluy-tuloy ang schedule ng mga laro sa PBA sa kasagsagan ng international competition.
Sa panig naman ng Samahan ng Basketbol ng Pilipinas, sinabi nitong patuloy ang kanilang pakikipag-usap sa mga manlalaro ng Gilas na kanilang ipapadala.
Nagsimula na rin ang kanilng ensayo sa ilalim nina Coach Jong Uichico at Josh Reyes.
—-