Kasalukuyang nasa Greece ang Gilas Pilipinas para sa unang bahagi ng kanilang training ilang buwan bago ang FIBA Olympic qualifying tournament.
Sampung araw mag-eensayo sa Karpenisi, Greece ang Gilas at matapos nito ay itutuloy nila ang kanilang training sa Istanbul, Turkey kung saan makakaharap ng koponan ang Turkish National Team sa tune up game.
Huling pupuntahan ng Philippine National Team ang Bologna, Italy kung saan lalahok ang Gilas sa four-nation pocket tournament laban sa hosts na China at Canada.
Inaasahang uuwi ang koponan sa June 28 o halos isang linggo bago ang pag-arangkada ng 2016 FIBA World Olympic qualifying tournaments sa July 4 hanggang 10 na gaganapin naman sa MOA arena, Pasay; Belgrade, Serbia at Turin, Italy.
By: Drew Nacino
Photo courtesy of John Reyes IG Account