Photo Credit: Gilas Pilipinas Twitter
Pasok na ang Gilas Pilipinas kasama ang 32 na mga bansa sa FIBA World Cup ngayong taon na gaganapin sa China.
Ito’y matapos ilampaso ng Gilas ang Kazakhstan at talunin ito sa qualifiers sa iskor na 93-75.
Sa unang quarter ng laro ay kumana si Andray Blatche ng labing siyam (19) na puntos para bigyan ng momentum ang Gilas kontra Kazakstan.
Sa ikatlong quarter ay nanganib ma-fouled out si Blatche ngunit agad na pinalitan ni June Mar Fajardo at nag-ambag din ng ilang puntos.
Kasabay nito ay bumitaw din ng back to back na tatlong puntos ang Gilas guard na si Jasyon Castro para mapanatili ng Gilas ang kalamangan.
Sa huling quarter ay sinelyuhan na ng Gilas ang pagkapanalo sa pamamagitan ni Blatche na umiskor ng apatnapu’t isang (41) puntos sa buong laro.
Idaraos ang FIBA World Cup sa ilang lungsod sa China sa buwan ng Agosto ngayong taon.
—-