Otomatikong pasok na ang Gilas Pilipinas sa Quarterfinals ng 2017 FIBA Asia Cup na ginaganap sa Beirut, Lebanon.
Ito’y makaraang ilampaso ng Pilipinas ang Iraq sa score na 84-68 noong Biyernes na nagresulta sa ikalawang sunod na panalo at dahilan upang manatili sa number 1 spot ang Gilas sa Group B.
Bago nito ay makakaharap ng Philippine National team mamaya ang Qatar na unang na-eliminate sa qualifying rounds.
Makakasagupa naman ng Gilas sa miyerkules, Agosto 16 ang sinumang mananalo sa pagitan ng Japan at South Korea.