Pinadapa ng South Korea ang Gilas Pilipinas sa kanilang tune-up game sa score na 96-92 sa KB Kookmin Bank Invitational.
Nadikitan ng mga Pinoy ang mga kalaban sa fourth quarter, 87-82, sa tulong ng layup ni SJ Belangel at 3-point play ni Dwight Ramos.
Ngunit nanaig pa rin sa dulo ng laro ang mga South Koreans.
Muling maghaharap ang dalawang koponan sa isa pang tune-up match bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa third window ng FIBA World Cup 2023 Asian Qualifiers.