Susubukan ng Gilas Pilipinas na gibain ang koponan ng Iran sa pagpapatuloy ng FIBA Asia Championship sa Changsha, China.
Ayon sa mga manlalaro ng Gilas, naghahanda na sila sa posibleng pisikalang laro kontra sa defending champion na Iran.
Base sa rekord, dinomina ng Iran ang nakalipas na first round sa kanilang grupo kung saan wala silang talo.
Habang ang Gilas naman ay mayroong isang talo at kinakailangan pa ng adjustment.
By Rianne Briones