Muling nakaranas ng pagkatalo ang Gilas Pilipinas sa 2022 FIBA Asia Cup.
Hindi nakapalag ang Gilas sa mas matatangkad na kalaban sa score na 92-75 sa kanilang paghaharap sa Group D, sa Jakarta, Indonesia, kagabi.
Nagpakawala ng 17 points si Kiefer Ravena para sa Philippine National Team pero hindi ito naging sapat upang makahabol.
Durog ang depensa ng mga Pinoy sa matinding puwersa ng opensa ng New Zealand na humakot ng rebound.
Dahil dito, hawak na ng gilas ang kartadang 1-2 at nakatakdang harapin ang Japan sa playoffs, bukas.