Target ng Gilas Pilipinas na magpasaya na lamang ng kanilang mga fans sa laro nila laban sa Angola sa FIBA World Cup.
Ayon sa rookie na si CJ Perez, ang goal nila sa ngayon ay maibsan ang lungkot ng mga kababayan na walang pagod sa panunuod ng kanilang mga laban.
Samantala, naniniwala naman si Coach Yeng Guiao na, nauunawaan ng mga Filipino fans ang malaking hamon na kanilang kinakaharap sa pagsabak nila sa FIBA World Cup.
Una rito, magkasunod na talo ang dinanas ng Gilas Pilipinas mula sa Italy na pinanuod pa ng Pangulong Rodrigo Duterte sa China at mula sa Serbia.