Biyaheng Changsha China na ang Gilas Pilipinas para sa inaabangang FIBA Asia Championship na magsisimula sa Setyembre 23 na tatagal hanggang Oktubre 3.
Ayon kay Gilas Coach Tab Baldwin, hindi nila bibiguin ang expectation ng mga Pinoy basketball fan.
Sinabi ni Baldwin na gagawin nila ang lahat para masungkit ang gintong medalya at makalusot sa inaasam na Rio Olympics na gaganapin sa Brazil sa susunod na taon.
Malaking advantage aniy ang mga manlalaro ng Gilas ang puso ng mga ito sa paglalaro na hindi trabaho ang tingin sa pagbabasketball kundi isang misyon bilang mga Filipino.
Matatandaang 1972 pa nang huling makapasok ang koponan ng Pilipinas sa Olympics.
By: Ralph Obina