Umaasa pa rin ang Gilas Pilipinas na mapapabilang ang Filipino-American NBA player na si Jordan Clarkson sa kanilang lineup na sasabak sa Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Ayon kay Sonny Barrios, executive director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas, bagaman nais nilang idagdag sa Gilas lineup si Clarkson, nasa kamay pa rin ng mga Malaysian organizer ang pagpapasya.
Pero bago ang SEA Games sa Agosto 19 hanggang 30, lalahok ang Pilipinas sa 2017 Fiba Asia Cup sa Beirut, Lebanon sa Agosto 8 hanggang 27.
Nangangahulugan ito na mag-o-overlap o magpapatong ang mga game schedule ng Philippine National Basketball team kaya’t naglatag na ng contigency ang SBP sakaling ma-late ang kanilang mga player na sasabak sa SEA Games dahil sa FIBA.
Lalaban ang Pilipinas sa SEA Games kontra thailand sa Agosto 20 at Malaysia sa 23.
Nakalaan na kapwa sa FIBA Asia at SEA Games ang Filipino-German na si Christian Standhardinger at Carl Bryan Cruz at mapupuwersa ang mga ito na maglaro sa kuala lumpur sakaling umabanse ang Pilipinas sa Lebanon kaya’t ikinukunsidera na ang replacement para sa dalawa.
By Drew Nacino