Nasungkit ng Pilipinas ang panalo sa 2023 Fédération Internationale de Basketball (FIBA) World Cup Asian Qualifiers.
Matapos ito na patumbahin ang kuponan ng Jordan sa iskor na 74-66.
Makikita sa second half ng laban na umaarangkada ang magandang laro ng Gilas.
Umabot naman sa 13 points ang kalamangan ng nagwaging kuponan sa huling tatlong minuto ng laban kung saan nanguna si Scottie Thompson na nakapagtala ng 8 points, 13 rebounds at 8 assists.
Sa ngayon may 4 wins 3 lose na ang Gilas Pilipinas sa naturang qualifiers.