Tikom ang bibig ng Samahang Basketball ng Pilipinas sa magiging kapalaran sa hinaharap ng Gilas Pilipinas matapos mabigong masungkit ang gintong medalya sa FIBA Asia Championhip.
Ayon kay SBP Executive Director Sonny Barrios, wala pang napagkasunduan ang board sa kung lalaban pa o hindi na ang Gilas sa Olympic qualifying tournament sa susunod na taon.
Sa ngayon, sinabi ni Barrios na mas nais muna nilang pag usapan ang ginawang kabayanihan ng Gilas sa pagkakapanalo ng mga ito ng pilak na medalya kontra China.
Matatandaang sa finals ng FIBA Asia, kinapos ang Gilas kontra China sa score na 78-67.
By: Ralph Obina