Nagwagi ang Gilas Pilipinas Women matapos lampasuhin ang India sa 2021 FIBA Women’s Asia Cup sa iskor na 74-70.
Nagpakita ng magandang depensa at opensa ang Gilas dahilan para masungkit ang 7th place sa laro na ginanap sa Prince Hamza Hall sa Amman, Jordan.
Nakakuha ng dalawamput isang puntos ang Gilas sa 3rd quarter ng game pero nagawang idikit ng India ang iskor sa 67-65.
Sa huling quarter ng laro ay tuluyan nangang naging kampeon ang Gilas Pilipinas Women matapos umiskor ng siyam na puntos si Afril Bernardino. —Sa panulat ni Angelica Doctolero