Pasok na semifinals ang Gilas Pilipinas womens team matapos talunin ang Maldives sa 2022 Fiba U-18 Asian Championship sa iskor na 110-28.
Nabatid na ito na ang ikatlong “straight win” ng Gilas kung saan, una nilang pinadapa ang Thailand sa iskor na 65-50, na sinundan ng Samoa sa iskor na 66-59.
Nanguna sa panalo ng team ang Filipino-French na si Louna Ozar matapos makapagtala ng 22 points sa 11-of-15 field goal shooting habang nakadagdag din sa panalo sina Ryhanna Calvert at Kate Bobadilla na parehong nagpakawala ng 17 points.
Samantala, abangan naman sa Sabado ang susunod na laban ng Gilas Pilipinas womens team na gaganapin sa Koramangala indoor stadium sa Bengaluru, India.