Nasungkit ng Gilas Pilipinas Youth ang panalo laban sa Chinese Taipei sa iskor na 72-67 sa FIBA under-18 Asian Championship.
Nagpakitang gilas sa panalo si Mason Amos na nakapagtala ng 21 points habang mayroong 14 points at 6 na rebounds si Ej Abadam at 14 points naman si Jared Bahay.
Dahil dito, posible nang makuha ng Gilas ang ika- 5 pwesto sa laro.
Samantala, nakatakda namang makalaban ng Gilas Pilipinas Youth ang Iran mamayang hapon.