Sumabak na sa kanilang ensayo ang Gilas Pilipinas bilang paghahanda sa 2016 Olympic Qualifying Tournament.
Present ang 17 bumubuo sa national team pool bagamat di nakapag-practice si Ranidel de Ocampo dahil sa tinamong back injury nito habang nagbubuhat ng weights.
Hindi naman maitago ni Gilas Pilipinas Coach ang tuwa dahil sa bago aniya itong team at may iba’t ibang karakter.
Masaya rin si Baldwin sa kinalabasan ng una nilang ensayo at sinabing umaayos na ngayon ang kondisyon ni De Ocampo.
Matatandaang kabilang sa nagbabalik sa Gilas ay si San Miguel Slotman June Mar Fajardo na hindi nakasama sa 2015 FIBA Asia Championship dahil sa iniindang sakit sa talampakan nito.
By Ralph Obina