Umabante na ang Gilas Pilipinas sa huling round ng 2019 FIBA World Cup Qualifiers.
Ito’y makaraang malusutan ng Gilas ang Japan sa score na 89-84, sa kanilang paghaharap sa 2nd round ng Groub B sa MOA Arena, Pasay City, kagabi.
Nagpakawala ng 18 points ang naturalized-player na si Andray Blatche para sa Philippine national team habang nag-ambag ng 23 points si Makoto Heijima para sa Japanese team.
Sunod na makakaharap ng Pilipinas sa 3rd round ang Chinese Taipei sa Hunyo 28.
—-