Umabante agad sa knockout round ng men’s basketball ng 29th Southeast Asian o SEA Games ang defending champion na Gilas Pilipinas.
Ito’y makaraang pabagsakin ng Gilas ang Thailand sa score na 81-74 sa preliminary round, sa Maba Stadium, Kuala Lumpur, Malaysia, kagabi.
Ang Pilipinas ang nagdikta sa laban hanggang sa huling quarter ng game pero bahagyang nahirapan ang koponan dahil sa lakas ng Thai cager na si Tyler Lamb sa second quarter.
Nagpakawala ng 16 points si Troy Rosario para sa Philippine team habang nag-ambag ng 17 points si Lamb para sa Thailand.
Sunod na makakasagupa ng Pilipinas ang Myanmar, bukas habang sa Miyerkules ang host nation na Malaysia.
By Drew Nacino