Inilampaso ng Barangay Ginebra Gin Kings ang San Miguel Beermen sa score na 124-118 sa overtime ng PBA Philippine Cup Finals series.
Dahil dito, tabla na ngayon ang serye sa pagitan ng sister teams na may tig-iisang panalo.
Nabaon ng 26 points ang San Miguel nang makahabol ito at nakuha pa ang 110-108 lead may 3.2 seconds ang nalabi sa laro.
Ngunit hindi pinayagan ni Joe Devance na matalo sila kaya’t naihatid sa overtime ang laban nang magtabla sa score na 110-all.
Umarangkada ang Gin Kings sa extra period kung saan nakuha agad nila ang 118-112 lead hanggang sa maipanalo nila ang laban.
Gaganapin ang Game 3 ng best-of-seven finals sa Miyerkules sa Araneta Coliseum.
By Jelbert Perdez