Humingi ng paumanhin si Barangay Ginebra Coach Tim Cone kay Meralco Bolts Coach Norman Black.
Ito ay kaugnay sa inasal ni Cone kung saan nilagpasan lamang nito at hindi nakipagkamay kay Black matapos ang mainit na Game 3 ng PBA Governor’s Cup kung saan ang Meralco ang nakasungkit ng panalo.
Inamin ng Gin Kings Coach na napikon siya sa pagtawag pa ni Black ng time out sa nalalabing 38.1 seconds ng fourth quarter gayong lamang naman ng 13 puntos ang Bolts.
Gayunman, sinabi ni Cone na nadala lamang siya ng sitwasyon at iginiit nitong mataas ang kanyang respeto kay Black.
Tiniyak din ni Cone na personal siyang magso-sorry kay Black.
—-