Umabante na sa quarterfinals ng 2022 PBA Governors Cup ang Barangay Ginebra Gin Kings.
Ito’y makaraang pataubin ng Ginebra ang rain or Shine Elasto Painters sa score na 104-93 sa kanilang paghaharap sa Araneta Coliseum, kagabi.
Kumamada ng double-doubles 25 points at 10 rebounds si Justin Brownlee para sa Barangay Ginebra habang nagpakawal ang 20 points si Christian Standhardinger habang swak ang apat na triple ni Jeff Chan na sumalaksak ng 15 points.
Nagpakawala naman ng 34 points si Henry Walker habang nag-ambag ng 12 points si Beau Belga para sa elasto painters.
Tinapos ng Ginebra ang eliminations sa kartadang 6-5 at nakapako sa 6th place kasama ang Alaska aces habang tuluyang nalaglag sa torneyo ang Rain or Shine sa kartadang 3-8.