Hawak na ng defending champion Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings ang unang panalo sa best of five series ng semi-finals game sa 2017 PBA Governor’s Cup kontra TNT Katropa.
Niresbakan ng Ginebra sa Game 1 ang TNT sa score na 121-94 sa kanilang paghaharap sa Araneta Coliseum, kagabi.
Kumamada ng 21 points ang bigman ng Gin Kings na si Justin Brownlee habang nagpakawala ng 26 points ang kapwa import na si Glen Rice Jr. para naman sa Katropa.
Sa third quarter, lalong dinurog ng Barangay Ginebra ang TNT sa pamamagitan ng tambalan nina Brownlee at Greg Slaughter hanggang sa tambakan nila ng mahigit 20 puntos ang kalaban sa 4th quarter.
Magugunitang tinambakan din ng TNT ang Gin Kings sa elimination round sa score na 121-92, noong September 23 rumesbak ang defending champion sa semi-finals.
Samantala, maghaharap muli ang dalawang koponan sa Game 2, sa Batangas City Coliseum, bukas.
—-