Inalok ni President-elect Rodrigo Duterte si Abs-Cbn Lingkod Kapamilya Foundation Inc. Chairperson Gina Lopez para maging Kalihim ng Department of Environment and Natural Resources o DENR.
Mismong si Duterte ang nagkumpirma na inalok niya para maging DENR Secretary si Lopez.
Nabatid na nag-courtesy call si Lopez kay Duterte sa Presidential Guest House sa DPWH Panacan Depot sa Davao City.
Sa ngayon ay wala pang tugon si Lopez sa alok na cabinet post sa kanya ng incoming President.
By: Meann Tanbio