Lumiit na ng todo ang mundo ng mga teroristang Maute sa Marawi City.
Sinabi ni AFP o Armewd Forces of the Philippines Chief of Staff General Eduardo Año na 500 square meters na lamang ng Marawi ang okupado ngayon ng mga terorista.
Nasa loob aniya nito ang mga lider ng Maute-ISIS na si Isnilon Hapilon at magkapatid na Abdullah at Omar Maute.
Ayon kay Año habang lumiliit ang lugar ng mga kalaban inaasahan na nilang mas titindi rin ang sagupaan sa huling bugso ng labanan lalot mas magiging malapitan pa ang putukan.
By Judith Larino / (Ulat ni Jonathan Andal)
SMW: RPE