Maituturing umano na Political Persecution ang ginagawa ng Administrasyong Duterte kay Senadora Leila de Lima.
Ayon kay Vice President Leni Robredo, kung totoo man na may kinalaman si De Lima sa iligal na droga, dapat na dumaan ang akusasyson sa due process.
Nahusgahan na, aniya, ng publiko si De Lima kahit pa noong hindi pa siya nasasampahan ng kaso.
Inamin ni Robredo na nababahala siya dahil baka iniisip na ng mga kokontra sa ilang polisiya ng gobyerno na magagaya sila kay De Lima na siyang pangunahing kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal