Sugatan ang tatlong laborer matapos bumagsak ang ginagawang Convention Center sa Lopez National Comprehensive High School sa Brgy. Magsaysay, sa Quezon Province.
Kinilala ang mga biktima na sina Benedict Eliaga Aquitania; Rosen Oblena Fulgencio; at Romeo Padayag Talento na kapwa isinugod sa Magsaysay Hospital ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO).
Sa imbestigasyon ng Municipal Police Station ng lalawigan, nag-collapsed ang steal beam na ginagawa ng mga biktima dahilan para magtamo ang mga ito ng mga sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan.
Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad ang pinaka-dahilan ng insidente.