Ipinatitigil ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay sa pananambang kay Clarin Misamis Occidental Mayor David Navarro.
Ito ayon mismo sa Pangulo matapos niyang kwestiyunin ang tila pagiging maluwag ng seguridad sa alkalde gayong nasa kustodiya ito ng pulisya.
Dahil dito, hindi umano maiwasan na isipin na posibleng may kinalaman ang mga pulis sa pagpatay kay Navarro.
Kaugnay nito, ipinag-utos ng Pangulo sa PNP na tigilan ang imbestigasyon at ibigay umano sa National Bureau of Investigation (NBI) ang lahat ng nakalap nilang mga ebidensya.
Si Navarro ay dinakip ng mga otoridad matapos ireklamo ng pambubugbog ng isang masahista, nakatakda sanang magtungo ng alkalde sa pagdinig sa kaniyang kaso nang mangyari ang pananambang habang nasa kustodiya ng mga pulis.