Kukuwestyunin ng Malakanyang sa Korte Suprema ang ginagawang imbestigasyon ng Office of the Ombudsman kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo, kukuwestyunin niya kung naaayon sa konstitusyon ang probisyon ng batas na nagsasabing puwedeng imbestigahan ang isang naka-upong Pangulo at puwedeng gamitin sa impeachment complaint ang resulta ng imbestigasyon.
Para kay Panelo, tila hindi naaayon ang batas na ito sa doktrina na mayroong immunity ang isang naka-upong Pangulo.
Matatandaan na kinumpirma ng Office of the Ombudsman na iniimbestigahan nila ang bank accounts ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang pamilya.