Malaki ang tiyansa na galing sa BIFF o Bangsamoro Islamic Freedom Fighter sa Mindanao ang ginamit na pampasabog sa Hilongos, Leyte.
Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, nagtutugma ang signature ng 81 mm mortar na narekober sa Leyte, sa mga mortar na nakukumpiska sa BIFF.
Gayunman, sinabi ni Dela Rosa na malabo pa ngayon kung sino talaga ang utak sa pagpapasabog at kung ano ang motibo.
May posibilidad aniya na bomb for sale ang nangyari.
Ayon kay Bato, isa sa tinitignan nilang anggulo ay ang paghihiganti ng grupo ng mga Muslim na dinampot ng mga pulis sa Leyte dahil sa illegal drugs at ang isa pang grupo ng Muslim na inaresto rin sa Leyte dahil naman sa pamemeke ng pera.
Suspetsa ng PNP Chief, baka bumili ng mga IED o Improvised Explosive Device sa BIFF ang grupo ng mga Muslim na ito at ginamit sa Leyte.
Sa ngayon aniya, malabo pa talaga ang motibo sa pambobomba lalo’t remote area at hindi mataong lugar ang Hilongos, Leyte.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal