Kinasuhan na ng Albuquerque Police ang isang ina sa New Mexico sa pagkakasangkot sa pagpatay sa sarili nitong anak.
Nitong Agosto, natagpuang ang bangkay ng 10 taong gulang na si Victoria Martens sa sarili nilang bahay ilang oras bago ang kaarawan nito.
Karumaldumal ang pagpatay sa bata na tsinap-chop ng mga suspek at bago nito ay binigyan muna ang methamphetamine at saka ginahasa.
Lumalabas sa imbestigasyon na mismong ang nanay ng bata na si Michelle Martens ang nag-alok sa mga suspek para gawin ang kahalayang iyon sa kanyang anak.
Maliban dito ay inialok din ng ginang sa mga lalake online ang iba niya pang mga anak para sa sex kapalit ng pera.
Mismong ang ina ng biktima nagsiwalat ng mga nangyari sa krimen.
By Ralph Obina
Photo Credit: KOAT