Nanganganib makasuhan ng perjury ang common law wife ni dating Calauan mayor Antonio Sanchez sakaling mapatunayang nagsinungaling ito sa senado.
Kaugnay ito sa pahayag nya na nalaman nya ang nakatakda sanang paglaya ni Sanchez sa pamamagitan ng isang text message mula sa hindi nya kilalang numero o tao.
Hindi rin naiprisinta ni Ginang Elvira Sanchez sa senado ang text message dahil nawasak anya ang kanyang telepono nang ibato nya ito dahil sa galit at pangamba dahil sa mga natatanggap nyang death threats.
Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon, kumikilos na ang senado para i-trace ang text message kay Ginang Sanchez sa pamamagitan ng phone number na ibinigay ng ginang.
Sinabi ni Drilon na hindi pangkaraniwan ang sinabi ni Sanchez na winasak nya ang kanyang cellphone.