Tinatayang aabot sa mahigit P850 milyong piso ang ginastos para sa pagdaraos ng 51st International Eucharistic Congress sa Cebu.
Ngunit ipinaliwanag ng Executive Secretary ng IEC Committee na si Msgr. Joseph tan, hindi ito galing sa bulsa ng simbahan kundi nagmula sa iba’t ibang sources.
Tulad na lamang aniya ng IEC Pavillon kung saan, sinagot ng kumpaniyang Dorus Contruction ang gastos sa pagpapatayo rito na inabot ng mahigit kalahating bilyong piso.
Paglilinaw pa ni Msgr. Tan, pagmamay-ari ng Archdiocese of Cebu ang lupang pinagtayuan sa IEC Pavillon at dahil sa may nilagdaang usufruct agreement, gagamitin muna ng Dorus ang pavillon sa loob ng 25 taon saka ito itu-turn over sa simbahan.
Aabot naman sa P300 million pesos ang ginastos para sa logistics, P100 million ang nagmula sa fund raising ng iba’t ibang pribadong grupo o kumpanya.
Nasa P100 million pesos naman ang nalikom sa panawagang piso para sa misa ng mundo na ipinanawagan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle.
Sa huli, tiniyak ni Msgr. Tan na maayos na hinahawakan at ginagastos ng simbahan ang nasabing pondo na nakalaan sa pagdiriwang.
By Jaymark Dagala