Ikinatuwa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ginawang pagtugon ng Department of Budget and Management (DBM) kaugnay sa problema sa oil price hike.
Layunin kasi ng Pamahalaan na matulungan at maalis sa kalbaryo ang mga tsuper sa pribado at pampublikong sasakyan dahil sa walang tigil na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.
Matatandaang nagbigay ng cash grants ang Development Budget Coordination committee sa mga kuwalipikadong public utility vehicle drivers upang maibsan ang hirap na dinaranas ng mga nasa sektor ng transportasyon.
Tiwala naman ang malakanyang na maipapamahagi sa mga kinauukulan ang isang billion fuel subsidy sa ilalim ng pantawid pasada program bago matapos ang taon.—sa panulat ni Angelica Doctolero