Binatikos ng dating opisyal ng Philippine Medical Association (PMA) ang ginawang ‘doctor shaming’ ng singer na si Yeng Constantino.
Ito ay matapos na magkaroon ng emergency ang asawa ni Constantino habang nakabakasyon sila sa Siargao Island at nagkaroon ng problema sa pinagdalhan nitong pagamutan sa naturang isla.
Ayon kay Dr. Leo Olarte, dating director ng PMA, hindi tama ang ginawang panghihiya ng singer kay Dr. Esterlina Tan na siyang officer in charge ng Dapa Siargao Hospital.
Sa halip na init ng ulo, sinabi ni Olarte na sana ay pang-unawa ang pinairal ni Constantino.
Meron po tayong kakulangan ng mga doktor, hindi po sapat ang mga personnel ng mga doktor na nandiyan, and of course ‘yung mga pasilidad nila, mga supplies, kulang din, kasi kulang din sa budget po ‘yan. So, kung nagkakaroon tayo ng mga problemang ganyan that is beyond the control of the doctor,” ani Dr. Olarte.
Samantala, sinabi ni Olarte na suportado ng PMA anuman ang maging aksiyon ni Dr. Tan laban sa singer.
That is a criminal offense, kasi cyber bullying po ‘yan, cyber harassment. And that is punishable by law as a criminal offense poi yon. Basta ipaubayan na natin po ni Dr. Tan kung anong desisyon po niya pero Philippine Medical Association is supporting her in any decision that she would like to do,” dagdag pa ni Dr. Olarte.
Ratsada Balita Interview