Aminado ang pamahalaan na malaking hamon para sa kanila na hindi na muling mang-aagaw ng pabahay ng gubyerno ang grupong KADAMAY o Kalipunan ng Damayang Mahihirap.
Ayon kay Presidential Commission for Urban Poor Chairman Terry Ridon, hindi niya batid kung ano ang nasa isipan ng mga miyembro ng KADAMAY.
Ngunit hindi aniyang malabong maulit ang ginawang pag-okupa ng KADAMAY sa mga housing unit hangga’t walang kongkretong proyekto ang pamahalaan para sa mga mahihirap.
Aniya, nasa mga ahensya na ng gubyerno ang bola kung paano lulutasin ang suliranin sa pabahay at mabigyan ng masisilungan ang mga maralitang Pilipino sa buong bansa.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping