Nilinaw ng Palasyo na hindi nito polisiya ang ginawang pagmumura ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., laban sa China.
Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson, Secretary Harry Roque na ang maaanghang na salita ng kalihim ay malinaw na bahagi lamang ng kanyang karapatan.
Giit pa ni Roque, na personal ang naturang pananaw ng kapwa kalihim.
Mababatid na sa isang post, may halong mura ang panawagan ni Locsin sa China na lumayas na sa katubigang pag-aari ng Pilipinas na ngayo’y patuloy na pilit inookopahan ng mga Chinese vessels.
Sa huli, giit ni Roque na anumang pagkakaiba ng Pilipinas at China sa usapin ng West Philippine Sea ay hindi magiging basehan ng bilateral relations ng dalawang bansa.