Target ng Barangay Ginebra na tapusin na sa July 23 ang kanilang best of 5 series sa PBA Commissioners Cup kontra sa Rain or Shine.
Base sa semifinals standing, dalawa na ang panalo ng Ginkings, matapos pataobin kagabi ang Elasto Painters sa score na 75-72 at may isang panalo pa lamang.
Ayon kay Ginebra Coach Tim Cone, hindi siya kuntento sa naging panalo nila kagabi kaya’t kailangan pang pagbutihin ang kanilang performance sa game 4 upang masungkit na ang PBA finals berth.
Gaganapin ang game 4, 7:00 ng gabi bukas sa Araneta Colisuem.