Aasahan na ng Barangay Ginebra Gin Kings ang resbak ng defending champion San Miguel Beermen o SMB sa Game 2 ng 2018 PBA Commissioner’s Cup finals, mamaya.
Ayon kay Ginebra Coach Tim Cone, handa na sila sa anumang magiging gameplay ng kanilang sister team na San Miguel.
Bagaman inaasahang pupuwersahin ng SMB na itabla sa 1-1 ang kartada, tiniyak ni Coach Tim na magiging dikdikan ang laban at pahihirapan nila ang Beermen.
Aminado si Coach Tim na gaya nila ay beteranong team din ang San Miguel kaya’t batid nila ang katatagan at lakas ng SMB.
Magugunitang inilampaso ng Gin Kings ang kanilang sister team sa score na 127-99, sa Game 1 ng best of seven series ng finals.
Aarangkada ang Game 2 sa Araneta Coliseum, sa Quezon City, mamayang ala sais y medya ng gabi.